Kinumpirma ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian na nananatiling bukas ang China para sa joint oil at gas exploration sa West Philippine Sea.
Ayon kay Huang, napakahalaga ng ugnayan ng China sa Pilipinas dahil dito nila inaangkat ang pinakamalaking bulto ng prutas.
Bukod dito ay plano na rin aniya ng Tsina na umangkat ng durian sa Pilipinas.
Kumpiyansa rin ang embahador na maaaring yumabong ang ugnayan ng dalawang bansa sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos. —sa panulat ni Jenn Patrolla