Pabor si Senate President Pro Tempore Ralph Recto sa pagsusumikap ng mga top diplomat ng bansa na makahanap ng na-aayon sa konstitusyon at win-win arrangement para sa Joint Oil Exploration ng Pilipinas at China para sa West Philippine Sea.
Ayon kay Recto, ito’y dahil sa may projection na pagsapit ng taong 2024 ay paubos na ang natural gas sa Malampaya Field sa Palawan kung saan ito ang pinagkukunan ng 45% ng electricity grid sa Luzon.
Pagnagkataon, sinabi ni Recto na maaaring makaranas ng kakulangan ng suplay ng kuryente sa Luzon kung hindi makahahanap ng pamalit sa Malampaya.
Bagamat tiniyak aniya ng mga energy official at mga nagdi-drill sa Malampaya Field na mayroon silang mga ipatutupad na hakbang para mapatagal pa ang buhay ng Malampaya hanggang 2029, pero malinaw pa din na humihina na ang natural gas sa Malampaya pagsapit ng 2024.
- Meann Tanbio | Story from Cely Bueno