Inihayag ni Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario na posibleng magsagawa ng joint patrol ang Pilipinas at Estados Unidos sa West Philippine Sea ngayong taon.
Gayunman, sinabi ni del Rosario na nakadepende pa ito sa nagpapatuloy na diskusyon ng dalawang bansa.
Ayon sa kalihim, may posibilidad na makibahagi ang ibang bansa sa pinagtatalunang martime region.
Binanggit din ni del Rosario na posibleng hindi na matalakay sa US-ASEAN Summit sa susunod na linggo ang patungkol sa joint patrol dahil napag-usapan na ito sa 2+2 ministerial meeting.
Matatandaang noong October 2015, nagsimula nang magpatrolya sa West Philippine Sea ang guided missile destroyer na USS Lassen.
By Meann Tanbio