Dapat nang ikunsidera ng pamahalaan ang pagsasagawa ng joint patrols ng Pilipinas at Estados Unidos.
Ito ang inirekomenda ni Dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario makaraang igiit ng China sa Pilipinas na tanggalin nito ang BRP Sierra Madre sa West Philippine Sea.
Ayon kay Del Rosario, masyadong itinutuon ng gobyerno ang pansin nito sa bilateral diplomacy sa Tsina, na naging sanhi upang mabalewala ang ibang opsyon upang matugunan ang mga banta sa teritoryo ng Pilipinas.
Ginagarantiyahan anya ng mutual defense treaty sa pagitan ng Pilipinas at US na parehong magbibigay ng military aid sa isa’t isa sakaling salakayin ng dayuhang pwersa ang mga teritoryo sa Pacific.
Bagaman pina-aalis na ang nakasadsad na barko, iginiit naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na malabo itong mangyari dahil bahagi ng teritoryo ng Pilipinas ang Ayungin. —sa panulat ni Drew Nacino