Bumuo ng isang lupon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) para mangasiwa sa joint peace and security coordinating council.
Ayon kay AFP chief of staff Gen. Jose Faustino Jr., tiyak na napapanahon ang pagbuong muli ng lupon na ito lalo pa at maraming kalaban ang kinahaharap ngayon ng bansa.
Pamumunuan ni AFP Assistant Deputy Chief of Staff for Operations o AJ3, B/Gen. Alex Rillera ang secretariat para sa chief of staff na siyang co-chairman ng JPSCC.
Binubuo ang joint peace and security coordinating council ng mga pinuno ng iba’t ibang law enforcement agencies tulad ng AFP, Philippine National Police at Philippine Coast Guard.
Hulyo ng taong ito nang lagdaan ng AFP at PNP ang resolution number 11-2021 na siyang nagbibilang sa coast guard sa konseho kung saan, ang commandant nito ang isa sa mga co-chairpersons nito.—mula sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9) sa panulat ni Hya Ludivico