Pormal nang natapos kahapon ang Joint Philippine US Balikatan Exercise 2022.
Naganap ito sa general headquarters ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Camp Aguinaldo.
Pinangunahan ang programa nina; AFP Chief of Staff General Andres Centino; AFP Balikatan 22 Exercise Director Major General Charlton Sean Gaerlan; US Exercise Director Representative Brigadier General Joseph Clearfield at US Embassy Charge D’ Affaires Heather Variava.
Nagbunga naman ng magandang resulta ang gawain dahil nakamit nito ang layunin ng aktibidad na palakasin ang security cooperation ng Pilipinas at Estados Unidos.
Ang Balikatan 2022 ay ang ika-37 Balikatan at pinakamalaking Joint Military Exercise na nilahukan ng 3,800 na tauhan ng AFP at 5,100 na miyembro ng US Military. —sa panulat ni Abby Malanday