Kasado na sa susunod na linggo ang joint investigation ng mga mambabatas kaugnay sa passport data breach sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Ayon kay Bayan Muna Party-list Representative Carlos Isagani Zarate, dapat mabusisi ang ginawang pagtangay ng passport maker firm ng lahat ng impormasyon ng mga indibiduwal na kumuha ng passport dahil malalim ang epekto nito at maaaring gamitin sa krimen ang mga nakuhang impormasyon.
Ipinabatid ni Zarate na noong isang taon pa sila nagsimulang mag-imbestiga dahil sa hinalang nagkaroon ng anomalya sa pagbibigay ng gobyerno ng kontrata sa paglilimbag ng passport sa isang pribadong kumpanya.
—-