Aprubado na ng Senado ang joint resolution na nagpapalawig sa ilang bahagi ng 2019 national budget hanggang sa December 31, 2020.
Nakasaad sa joint resolution na maraming proyektong pang imprastraktura ng pamahalaan ng naapektuhan ng nabalam na pagpasa ng 2019 national budget at election ban noong panahon ng eleksyon.
Ayon sa Senado, otomatikong mawawalan ng saysay ang mga pondong nakalaan sa ilang mga budget kapag nag-paso ang paggamit ng budget.
Sa mga ganitong sitwasyon ay apektado umano ang mga maintenance at operating expenses ng pamahalaan.