Iminungkahi ng Malaysia ang pagkakaroon ng joint maritime patrols at aerial surveillance kasama ang Pilipinas at Indonesia sa Sulu Sea at border ng Sabah.
Ginawa ni Defense Minister Datuk Seri Hishammuddin Hussein ang pahayag matapos ang sunod-sunod na kidnapping na naganap sa nabanggit na lugar.
Sinasabing makikipagpulong si Hishammuddin kina Defense Secretary Voltaire Gazmin at Indonesian counterpart Ryamizard Ryacudu para talakayin ang piracy at kidnapping sa Sulu sea.
Giit ni Hishammuddin, hindi lamang Malaysia ang apektado ng mga kaso ng pagdukot kundi maging ang mga karatig bansa.
By Jaymark Dagala