Pag-uusapan ng Pilipinas, Malaysia at Indonesia ang posibilidad ng joint military patrol sa mga karagatan kung saan umiikot ang mga militanteng sangkot sa kidnapping.
Nakatakdang magpulong sa Mayo 5 sa Jakarta Indonesia ang foreign ministers at military commanders ng Pilipinas, Indonesia at Malaysia.
Nagpahayag ng pag-asa si Indonesian Foreign Ministry Spokesman Arrmanatha Nasir na makakabuo sila ng kasunduan para sa joint military patrol upang maiwasan na ang kidnapping.
Sa kasalukuyan, nasa 20 pang dayuhan ang pinaniniwalaang hawak ng Abu Sayyaf kabilang ang 14 na Indonesian sailors.
By Len Aguirre