Binuksan na ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang kanilang joint session upang talakayin ang hirit ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin ang idineklara niyang martial law sa Mindanao.
Batay sa isinagawang roll call ng dalawang kapulungan, 14 ang mga dumalong Senador habang 242 kinatawan mula sa Kamara ang dumalo sa sesyon na sapat para magdeklara ng quorum.
Kasunod nito, pormal na binuksan ni Senate Majority Leader Tito Sotto ang sesyon sa pamamagitan ng pag-sponsor na palawigin ang idineklarang martial law sa Mindanao.
Napag-kasunduan ng mga mambabatas mula sa dalawang kapulungan para sa pinag-isang botohan sa pamamagitan ng nominal voting, ibig sabihin bibigyan ng pagkakataon ang bawat mambabatas para ipaliwanag ang kanilang boto.
By: Jaymark Dagala / Jill Resontoc
Joint session ng Kongreso pormal nang binuksan was last modified: July 22nd, 2017 by DWIZ 882