Posibleng mag – convene ang Senado at House of Representatives sa isang joint session para talakayin ang hirit ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin pa ang martial law sa Mindanao sa Huwebes o Biyernes.
Ayon kay House Majority Floor Leader Rodolfo Fariñas, oras na matanggap na nila ang letter of request mula kay Pangulong Duterte, agad niyang kakausapin sina House Speaker Pantaleon Alvarez at Senate President Koko Pimentel para maikasa ang joint session.
Dagdag ni Fariñas, hindi na nila kailangan pang magsagawa ng special session para pag – usapan ang martial law extension dahil mayroon pa naman aniya silang hanggang Disyembre 15 bago mag – Christmas break.
Una nang inihayag ni Executive Secretary Salvador Midaldea na kanilang ipadadala sa Kongreso ang sulat na pirmado ni Pangulong Duterte kaugnay ng kahilingang isang taong martial law extension ngayong Lunes.