Dapat ay naisulong ang joint session para tutukan ang idineklarang martial law sa Mindanao ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Pananaw ito ni Senador Francis ‘Chiz’ Escudero para aniya na “democratized” ang nasabing deklarasyon ng Pangulo sa pamamagitan ng suporta ng ehekutibo at lehislatura.
“Yung ilang kakampi ni Pangulong Duterte na gusto syang tulungan sana pumayag na lamang na mag blind sessions para yung pagdeklara nya ng martial law eh nasuportahan hindi lamang ng nag-iisang ahensya, dalawang ahensya pa ng gobyerno, executive at legislative at na-democratize yung kanyang desisyon na magdeklara ng martial law sa pamamagitan ng suporta ng super majority sa Kamara man o senado sa kanyang pagdeklara ng martial law kesa sa sitwasyon ngayon, iisa lamang, siya lamang ang basehan ng pagdeklara ng martial law”, pahayag ni Escudero.
Ipinalabas na video ad ng DOT walang mali
Walang nakikitang mali si Senador Chiz Escudero sa ipinalabas na video ad ng DOT o Department of Tourism na may titulong “Experience the Philippines”.
Ayon kay Escudero, hangga’t wala itong nilalabag na intellectual property rights at nananatiling epektibo sa pag-iengganyo sa mga turista na bumisita sa Pilipinas.
Wala aniya siyang nakikitang kwestyunable kung may kaparehong format ito sa tourism ad ng ibang bansa.
Una rito, ilang senador ang nagsabing dapat mag-focus na lamang ang DOT sa It’s More Fun in the Philippines slogan dahil ito ang mas may recall sa mga lokal at dayuhang turista.
By Judith Larino / Krista De Dios | With Report from Cely Bueno