Isinusulong pa rin ni Senador Kiko Pangilinan ang pagkakaroon ng joint session ng dalawang kapulungan ng kongreso para talakayin ang idineklarang martial law ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao.
Ayon kay Pangilinan, hindi katanggap – tanggap na kapag tatapusin o kaya ay palalawigin ito ay saka lamang sila magpupulong.
Nakasaad aniya sa konstitusyon na kailangang maging bukas at managot ang public officials at tiyakin na maipatutupad ang karapatan ng mamamayan.
Maari rin aniyang magkaroon ng executive session kung mayroong mapag – uusapang sensitibong bagay.
Pangulong Duterte hindi kailangang magdeklara ng Martial Law sa Mindanao
Iginiit ni Bayan Secretary Gen. Renato Reyes na hindi kailangang magdeklara ng Pangulong Rodrigo Duterte ng batas militar sa Mindanao para matugunan ang problema sa Marawi.
Ayon kay reyes, mayroong sapat na kapangyarihan at kakayanan ang pamahalaan na tapusin ang sagupaan at napaka lawak ng saklaw ng ipinatutupad na batas militar.
Sa kabila nito, nilinaw ni Reyes na hindi nila sinusuportahan ang ginagawa ng Maute at naniniwala silang dapat nang wakasan ang kaguluhan doon.
By Katrina Valle | With Report from Cely Bueno