Inilipat na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa 6th Infantry Division ng Philippine Army ang Joint Task Force General Santos.
Layon nito na palakasin pa ang puwersang militar sa gitnang bahagi ng Mindanao mula sa elemento ng mga rebelde’t bandido sa lugar.
Ang Joint Task Force General Santos ay naging bahagi muna ng 10th Infantry Division bago ito inilipat sa 6ID na nasa ilalim ng pamamahala ng Western Mindanao Command (WESMINCOM).
Nitong Sabado, pinangunahan ni WESMINCOM Chief Lt/Gen. Cirilito Sobejana ang isang welcome ceremony sa JTF GENSAN HQ sa Barangay Bula, General Santos City.
Pinamumunuan ni Col. Eduardo Gubat ang JTF General Santos na nagtiyak kay Sobejana na nasa tahimik at maayos na sitwasyon ang General Santos City.