Binuo na ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) ang joint task force na tututok sa kaso ng pagdukot at pagpatay sa negosyanteng koreano na si Jee Ick Joo.
Pangungunahan ang naturang task force ni Anti-Kidnapping Group Chief Senior Supt. Glenn Dumlao.
Kabilang sa tinitignang may koneksyon sa pagkamatay ng Koreano ay ang pagkakasangkot nito sa online gambling.
Umaabot na siyam (9) katao ang iniimbestigahan kaugnay sa kaso ng nasabing Koreano.
Kabilang dito ay si Jerry Omlang, dating runner ng NBI ay nakapagsumite na ng kanyang sinumpaang salaysay kung saan idinidiin nito si Police Supt. Rafael Dumlao.
By Rianne Briones