Bumuo na ang Pilipinas ng joint Technical Working Group (TWG) upang ayusin ang pamamahagi ng unpaid salaries ng mga OFW sa Saudi Arabia.
Ayon kay undersecretary Patricia Yvonne Caunan ng Department of Migrant Workers, binuo ang TWG matapos mag-usap ang DMW at Saudi ministry of human resources at social development.
Binubuo ang TWG ng DMW, Department of Foreign Affairs (DFA), Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs at ang nasabing ahensya ng Saudi.
Magugunitang ipinangako ni crown prince Mohammed Bin Salman ng Saudi kay Pangulong “Bongbong” Marcos na matatanggap na ng mahigit 10,000 OFW ang natengga nilang sahod. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla