Aminado ang aktres na si Jolina Magdangal na balot ng takot ang kanyang puso sanhi ng kinahaharap ng buong mundo, ang pandemya.
Ito ang naging pagbubunyag ng aktres at TV host sa kanyang post sa instagram na bahagi ng kanyang liham sa kaarawan ng kanyang ina na si Paulette.
Ayon kay Magdangal, marami aniya siyang balak para sa araw na ito ng kanyang ina, pero hindi ito matutupad nang muling sumailalim ang NCR sa enhanced community quarantine para mapuksa ang dami ng kaso ng COVID-19 dahil sa delta variant.
Sa kabila ng agam-agam, lubos naman ang pasasalamat ng aktres dahil maayos ang lagay ng kanyang mga magulang na nasa tagaytay sa ngayon.
Nangako naman si Jolens na babawi at ipagdiriwang ang nasabing okasyon kapag bumuti na ang lagay ng pandemya.—sa panulat ni Rex Espiritu