Handa ang pinakamalaking fast food operator sa bansa ang Jollibee Foods Corporation na tumalima sa regulasyon ng gobyerno laban sa endo o labor only contracting.
Ipinag – utos na ng kumpanya na i – regular ang higit apatnaraang (400) mga empleyado nito sa MIMAROPA region.
Ibinalik na rin ng kumpanya ang higit pitong daang libong pisong (700,000) unauthorized deductions sa mga empleyado.
Kaugnay nito, patuloy aniya ang pagtugon ng kumpanya sa regulasyon na itinatakda ng Department of Labor and Employment o DOLE.