Bida ang saya at malasakit sa panahon ng krisis.
Ito ang muling pinatunayan ng Jollibee Group makaraang mamahagi ng pagkain para sa mga manggagawa, tulad ng media personnel at health workers, na nasa frontline ng laban sa sakit na coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ayon sa Jollibee Group Foundation, ginagawa ang pamamahagi ng donasyon sa ilalim ng kanilang FoodAid Program at Project Ugnayan na nagkakahalaga ng P220-M.
Ang laman ng mga food packs ay mga produkto mula sa mga nasa Jollibee Group na kinabibilangan ng Jollibee, Mang Inasal, Chowking, Red Ribbon, Greenwich Barkada, Panda Express, PHO24, at Burger King.
Sinasabing nakikipagtulungan din ang kompanya sa mga lokal na pamahalaan, pribado at pampublikong organisasyon upang magkaroon ng maayos na distribusyon sa mga pagkain para sa mga frontliners, gayundin sa mga sektor na pinaka-apektado ng COVID-19 outbreak.