Buhay na buhay pa rin ngayon ang bayanihan spirit sa gitna ng nararanasang krisis pangkalusugan ng buong mundo dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19)
Kabilang sa mga kompanyang aktibo sa pagtulong ay ang Jollibee Group na nag-donate ng P220-M na halaga ng pagkain para sa mga frontliners at mga pamilyang lubhang apektado ng pandemic.
Sinasabing ang isang daang milyong piso ay inilaan para sa mga bayaning frontliners tulad ng healthcare workers, on-ground checkpoint personnel, at media na tumanggap ng food packs mula Jollibee, Chowking, Mang Inasal, Greenwich, Red Ribbon, Burger King, Panda Express, At Pho24 na kasama sa Jollibee Group.
Nakipagtulungan din ito sa iba’t ibang organisasyon at mga lokal na pamahalaan para sa mas mabilis na pamamahagi ng pagkain na nagkakahalaga ng P120-M sa mga pamilyang mas lubhang nahihirapan sa panahon ngayon.
Ayon sa Jollibee Group, inilunsad nito ang ‘project ugnayan’ bilang kaakibat ng gobyerno sa paghahatid ng tulong sa pamamagitan ng paglalaan ng pondo para sa mga apektado ng krisis.