Inilabas ng DOLE o Department of Labor and Employment ang listahan ng 20 nangungunang kumpanya sa bansa na hinihinalang sangkot o nagpapatupad ng labor-only contracting sa pagkuha ng mga empleyado.
Una sa listahan ang kumpanya ng Jollibee Food Corporation kung saan umaabot sa halos 15,000 mga manggagawa nito ang hindi regular.
Pumangalawa naman ang DOLE Philippines na merong mahigit 10,500 apektadong manggagawa at sinundan ng PLDT na may mahigit 8,000 mga hindi regular na empleyado.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, mahigit tatlong libong mga kumpanya o negosyo mula sa halos 100,000 mga kumpanya at negosyo sa bansa na kanilang na-inspeksyon ang nakitaang sangkot sa labor-only contracting.
Habang meron pang mahigit 800,000 mga kumpanya o negosyo ang patuloy at kinakailangan pang silipin at inspeksyunin ng Department of Labor.