Naniniwala ang U.S na nananatiling banta sa Asya ang Islamic State of Iraq and Syria o ISIS sa kabila ng humihina umanong puwersa nito sa Middle East.
Ayon kay U.S Navy Commander, Admiral Philip Davidson, isang patunay nito ang magkasunod na pambobomba sa Jolo, Sulu noong Enero kung saan mahigit 20 ang namatay.
Nakababahala rin anya ang pagbabalik ng mga foreign ISIS member sa kani-kanilang “country of origin” mula sa gitnang silangan.
Batay sa US Intel, mahigit1,000 dayuhang terrorist fighters ang nagtungo sa Iraq at Syria mula sa Indo-Pacific Region at nasa 170 sa mga ito ang nagbalik na sa kani-kanilang bansa matapos matalo ang ISIS sa Middle East.
Naniniwala naman si Davidson na hindi imposibleng may nakapasok na mga foreign terrorist sa Pilipinas at maglunsad ng suicide bombing o iba pang uri ng pag-atake.