Idineklara ng Anti-Terrorism Council (ATC) ang 19 na umano’y matataas na opisyal ng Communist Party of the Philippines (CPP) kabilang ang founder nitong si Jose Maria Sison bilang terorista.
Ang deklarasyon ay nakasaad sa Resolution Number 17 na nag-aatas sa Anti-Money Laundering Council para i-freeze ang mga assets nito.
Bukod kay Sison, kabilang sa mga idineklarang terorista na pawang miyembro ng central committee ng CPP sina Vicente Ladlad, Adelberto Silva, Rafael Baylosis at Wilma at Benito Tiamzon.
Sa hiwalay na resolusyon, idineklara rin ng ATC bilang terorista ang 10 miyembro ng local terrorist groups tulad ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters, Abu Sayyaf Group at Daulah Islamiyah.