Idinipensa ni Exiled Communist Leader Joma Sison ang CPP NPA NDF at sinabing hindi ito madidiktahan ng Pangulo ng Pilipinas.
Kaugnay nito, binatikos ni Sison si Pangulong Rody Duterte sa aniya’y padalos-dalos na desisyong bawiin ang Unilateral Ceasefire.
Sinabi ng CPP Founder na magdedeklara na rin sana ng Ceasefire ang NPA noong Sabado, alas 8 ng gabi.
Ngunit isang oras bago ang planong pagpapahayag ng NPA ng tigil putukan, binawi ni Pangulong Duterte ang dineklara nitong Unilateral Ceasefire.
Sa panig naman ng Pangulo, nagtakda ito ng 5 PM deadline noong Sabado ngunit walang tugon mula sa mga rebeldeng komunista.
By: Avee Devierte