Nanawagan ang Malakanyang na umuwi na sa bansa si CPP Founder Joma Sison para harapin ang mga kaso laban sa kanya dito sa bansa.
Kasunod ito ng ipinalabas na warrant of arrest ng Manila Regional Trial Court laban kay CPP Founder Joma Sison at 37 iba pang miyembro ng rebeldeng grupo na may kaugnayan sa Inopacan masscare.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ang batas ay hindi kumikilala sa sinumang lumalabag dito kaya marapat lamang na sumulong ang prosekusyon laban kina Sison.
Welcome aniya si Sison na bumalik sa bansa at gamitin ang kaniyang karapatan na harapin ang mga nagpaparatang sa kaniya at depensahan ang kaniyang sarili.
Kaugnay nito, sinabi ni Panelo na kaisa sila ng pamilya at malalapit sa buhay ng mga biktima, sa paghahanap ng hustisya para sa mga ito at dapat lamang na maihain ang mga warrant alinsunod sa utos ng hudikatura.