Dismayado si Communist Party of the Philippines Founding Chairman Jose Maria Sison sa biglaang pagkansela ng pamahalan sa pagbabalik ng usapang pangkapayapaan.
Malaki ang panghihinayang ni Sison lalo’t nalagdaan na aniya ng mga opisyal ngNational Democratic Front of the Philippines at gobyerno ang ceasefire na magsisimula sana sa June 21 bilang paghahanda sa resumption ng peacetalks.
Sinabi nito na sinaksihan mismo ni Norwegian Special Envoy Ambassador Idun Tevdt bilang third party facilitator ang paglagda ng dalawang kampo.
Dahil dito, iginiit ni Sison na ipinapakita lamang ng gobyerno sa ilalim ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi seryoso ang pamahalaan sa pakikipagnegosasyon sa NDFP