Dismayado si National Democratic Front of the Philippines Chief Political Consultant Jose Maria Sison sa naiulat na pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na target din ng Martial Law sa Mindanao ang NPA o New People’s Army.
Ayon kay Sison, kinumpirma ng GRP na hindi target ang NPA.
Sinabi pa aniya mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte kay NDFP Chief Negotiator Fidel Agcaoili sa kanilang pagpupulong na dapat magtulungan ang GRP at NDFP laban sa mga teroristang grupo tulad ng Maute at Abu sayyaf.
Iginiit ni Sison na kaisa ng gobyerno ng NDFP sa paglaban sa mga teroristang grupo.
Umaasa rin aniya siya na hindi makaapekto ang kaguluhan sa Marawi sa ika-limang round ng peace talks.
By: Meann Tanbio