Nagpahayag na ng kanyang kahandaang umuwi sa bansa si Communist Party of the Philippines Founding Chairman Jose Maria Sison.
Sa isang pulong balitaan gamit ang video conference, sinabi ni Sison na posible siyang magbalik bansa ngayong buwan hanggang sa Agosto.
Gayunman, ilang kondisyon ang inilatag ni Sison bago siya tuluyang umuwi sa bansa.
Dapat aniyang matuloy ang usapang pangkapayapaan sa pagitan nila at ng pamahalaan, pagpapalaya sa lahat ng mga political prisoners at pagkakaroon ng tigil-putukan.
By Jaymark Dagala