Nakahandang umuwi ng Pilipinas si Communist Party of the Philippines founding chairman Jose Maria Sison kung magpapatuloy ang usapang pangkapayapaan.
Kasunod ito ng imbitasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Sison na umuwi ng bansa para personal na subaybayan ang itinatakbo ng peace talks sa pagitan ng mga rebelde at gobyerno.
Ayon kay Sison, kailangan muna niyang isaalang-alang ang ilang kondisyon sakaling matuloy ang negosasyon gaya ng pagpapatupad ng tigil-putukan sa magkabilang panig, palayain ang mga political prisoners; at resolbahin ang importanteng isyu kaugnay sa agrarian reform at rural development.
Sinabi naman ng Palasyo, ito na ang huling pagkakataon na ibibigay ng gobyerno sa CPP–NPA para muling buhayin ang negosasyon patungkol sa usapang pangkapayapaan.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, tanging 60 araw o dalawang buwan lamang ang ibinigay na time frame ni Pangulong Duterte para sa peace talks.