Handa na si Communist Party of the Philippines Founding Chairman Jose Maria Sison na magbalik-bansa.
Ito, ayon kay Sison, ay sa sandaling magkaroon ng “substantial progress” ang ikalimang sigwada ng usapang pang-kapayapaan sa pagitan ng gobyerno at NDF-CPP-NPA.
Nagpaliwanag rin si Joma kaugnay sa mga batikos na iniwan niya ang kanyang mga kasamahang rebelde sa Pilipinas.
Anya, hindi naman niya piniling maghanap ng political asylum sa Netherlands at sa katunayan ay mas nais niyang makasama ang mga kapwa rebeldeng komunista.