Naghayag ng kanyang New Year’s wish ngayong 2018 si Communist Party of the Philippines (CPP) Founding Chairman Jose Maria Sison.
Ayon kay Sison, hangad niyang ituloy ng Pangulong Rodrigo Duterte ang usapang pangkapayapaan sa kanilang grupo.
Sinabi ni Sison na dapat hayaan ng Pangulo ang pamahalaan at National Democratic Front (NDF) peace panels na masunod ang mga kasunduan sa social, economic at political reforms na siyang susi sa kapayapaan.
Sa kabila ng panawagang ipagpatuloy ang peace talks, kumbinsido si Sison na darating ang panahong titindig ang mamamayang Pilipino laban sa administrasyong Duterte.
Matatandaang bago salubungin ang bagong taon ay nagpahayag ang CPP na target nilang pabagsakin ang Pangulong Duterte sa taong 2018 bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika – 49 na anibersaryo nito.