Hinimok ni Communist Party of the Philippines (CPP) Founder Jose Maria Sison ang gobyerno na bumalik sa negotiating table.
Sinabi ni Sison na kailangang kunsultahin ng Pangulong Rodrigo Duterte ang mga miyembro ng peace panel ng gobyerno at maging ang peace advocates sa gabinete nito sa isyu nang pagbubukas muli ng peace talks sa CPP na NDF.
Panawagan pa ni Sison, maging bukas sana ang Pangulo na magkaroon ng back channeling effoorts para higit na maging malinaw ang mga hindi napagkasunduan at maresolba kaagad ang mga problema.
Binigyang diin ni Sison na kailangang gumulong muli ang peace talks at bumuo na ng bilateral ceasefire agreement bukod sa bigyan ng amnesty ang political prisoners.
By Judith Larino