Inimbitahan mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte si CPP-NPA at NDF founding chairman Jose Maria Sison na umuwi sa Pilipinas upang dito idaos ang usapang pangkapayapaan.
Sa kanyang talumpati sa 24th Annual Convention of the National Federation of Motorcycle Clubs of the Philippines sa Legazpi City, Albay kahapon, sinabi ng Pangulo na binigyan niya ng 60 araw si Sison para umuwi sa Pilipinas.
Gayundin ay upang ibaba ng mga rebelde ang lahat ng kanilang mga armas nang walang pangamba na sila’y maabuso ng mga kawal ng gobyerno.
I created a small window, 60 days, proposal ko kay Sison, hindi ako ang magpunta dun. Ikaw ang pumunta rito, ako magbigay ng pamasahe, ako magbabayad ng expenses, pati pagkain. Pahayag ng Pangulo
Dahil dito, umapela ang Pangulo sa mga rebelde na samantalahin na ang maliit na puwang na kanyang ibinigay upang makamit na ang ganap na kapayapaan sa bansa.
Kayong mga guerrilla front, you stay in one place, mag-kampo na kayo. Dalhin niyo ang baril diyan sa loob ng kampo niyo, tell us where you are. You can go out of the camp minus the arms, I’m giving you the complete freedom to move. Take advantage of that 60 days, if it succeeds then I would like to thank God muna and the Filipino and the military for their understanding. Paliwanag ng Pangulo