Itinanggi ni Communist Party of the Philippines o CPP Founding Chairman Jose Maria Sison na ipinag-utos niya ang paglulunsad ng giyera laban sa pamahalaan.
Ayon kay Sison naghayag lamang aniya siya ng obserbasyon at pagkadismaya kasunod ng muling pagkansela ni Pangulong Rodrigo Duterte sa usapang pangkapayapaan.
Dagdag ni Sison, dahil sa ipinakikitang kawalan ng interes ng pamahalaan sa peace talks, wala aniyang ibang opsyon ang mga rebolusyonaryo kundi ang maglunsad ng mga pag-atake na dati na nilang isinasagawa.
Sinabi rin ni Sison na hindi niya tatanggapin ang imbitasyon ni Pangulong Duterte na umuwi ng Pilipinas hangga’t hindi nalalagdaan ang interim peace agreement na napagkasunduan ng pamahalaan at CPP-NDF sa isinagawang back channel talks.
—-