Muling binanatan ni Communist Party of the Philippines (CPP) Founding Chairman Jose Maria Sison si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Sison, kahit hindi niya sabihin ay karapatan ng publiko na mabatid ang tunay na physical at mental condition ni Pangulong Duterte.
Ito ang reaksyon ng CPP founder sa pagsisiwalat ni Magdalo Party-list Representative Gary Alejano na magpapagamot ang Pangulo kaya’t bibiyahe ito sa Israel.
Sinabi rin ng communist leader na mas maiging bigyang lunas ng mga Israeli doctor ang mahinang gulugod ng Punong Ehekutibo na sanhi ng pananakit ng likod at panghihina nito.
Bagaman hindi naman aniya literal na comatose si Duterte, mistula pa rin itong na-coma dahil nabawasan ang trabaho nito kaya’t napaparami ang pagpapahinga.
Sa kabila nito, nais ni Sison na maging malusog at mabuhay pa ng matagal si Pangulong Duterte upang maharap nito ang mga akusasyon at warrant of arrest dahil sa mass murder.
—-