Nananatili pa rin sa listahan ng mga terorista ng Estados Unidos si Communist Party of the Philippines Founder Jose Maria Sison.
Ayon kay CPP-NDFP Peace Panel Chair Luis Jalandoni, ito ang nagsisilbing balakid kay Sison sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas.
Matatandaang inimbitahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Sison na bumalik ng bansa.
Gayunman, iginiit ni Jalandoni na maaaring gumawa ng hakbang ang Amerika laban kay Sison kapag bumalik ito ng bansa dahil nakalagay pa rin ang pangalan nito sa US terrorist list.
Maliban dito, sinabi ni Jalandoni na wala ring inisyung passport kay Sison ang Dutch government.
By Jelbert Perdez