Naniniwala si CPP o Communist Party of the Philippines founding chair Jose Maria Sison na isasabotahe ni Pangulong Rodrigo Duterte ang peace talks.
Matatandaang ipinahayag ni Pangulong Duterte na hindi na matutuloy ngayong buwan bagkus ay sa susunod na buwan ang usapang pangkapayapaan dito sa Pilipinas.
Ayon kay Sison, posibleng magdeklara ng martial law si Duterte para maipagpaliban ang negosasyon at hindi na makaalis sa Pilipinas ang mga opisyal ng CPP–NPA.
Sinabi pa ni Sison na malabo ang sinasabi ng gobyerno na gagawin nitong public consultation kaya ipinagpaliban ang nakatakdang peace talks sana ngayong Hunyo.
Alam na alam aniya ng gobyerno na dapat na hunyo palamang ay sinimulan na ito upang bigyang daan ang holidays ng Norwegian government sa susunod na buwan.
Ang gobyerno ng Norway ang nagsisilbing third party facilitator sa pag-uusap ng gobyerno at mga rebelde.