Handang sagutin ni Pangulog Rodrigo Duterte ang lahat ng personal na gastusin ni CPP-NPA founding Chairman Jose Maria Sison.
Ito ang inihayag ng Pangulo kasunod ng pagtitiyak nito na bibigyan niya ng seguridad ang kaniyang dating propesor upang makauwi na sa Pilipinas sanhi ng kaniyang karamdaman.
Ayon sa anak ni Sison na si Joy Alcantara, nakadalo na sa ika-apat na yugto ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at ng rebeldeng komunista ang kaniyang ama at nasa maayos itong kundisyon.
Una rito, hindi nakadalo si Sison sa ikatlong yugto ng peacetalks nuong Enero sa Roma bunsod ng iniinda nitong karamdaman na hindi naman idinetalye sa publiko.
By: Jaymark Dagala