Tahasang tinawag ng AFP o Armed Forces of the Philippines si Communist Party of the Philippines (CPP) Founder Joma Sison na sinungaling, manloloko at kriminal.
Ito ay kasunod ng pagtanggi ni Sison na malaking bahagi ng mga nakokolektang revolutionary tax ng NPA o New People’s Army mula sa mga negosyante ang kanyang nakukuha.
Ayon kay AFP Chief of Staff General Eduardo Año, kanila nang inaasahan ang pagtanggi ni Sison at mas ikagugulat pa aniya kung aamin ito.
Kasabay nito, inakusahaan din ni Año si Sison na utak ng Plaza Miranda Bombing noong 1971 at guilty sa mga kaso ng extortion, grave coercion, arsons at kidnapping kasama ang iba pang miyembro ng NPA.