Nanguna ang Pilipino-American na si Jordan Clarkson sa panibagong panalo ng NBA top team na Utah Jazz sa Boston Celtics.
Nagbigay ng 20 puntos si Clarkson mula sa bench para suportahan ang kanilang top scorer at all-star na si Donovan Mitchell na nagtala naman ng 21 puntos.
Sa una ay umaarangkada pa ang Boston ngunit pagsapit ng huling quarter ng laro ay sinamantala ito ng Jazz.
Sa ngayon ay ito na ang ika-29 na panalo ng Jazz at tuluyang na sweep ang Boston sa kanilang match ups.
Samantala, hawak naman ng Boston ang 20 panalo habang 19 na ang talo.— sa panulat ni Rashid Locsin