Tila atat nang sumabak muli si Utah Jazz guard Jordan Clarkson sa susunod na season ng NBA.
Katunayan, ayon kay Clarkson, handa na sila sa pagbubukas ng bagong season ng liga.
Hindi rin nangangamba ang Filipino-American player sa maikling preparasyon ng kanilang koponan at naniniwala siyang hindi ito makakaapekto sa performance nila sa hard court.