Kumpiyansa si Fil-American NBA player Jordan Clarkson na makakabalik pa rin siya sa Gilas Pilipinas.
Ayon sa guard ng Utah Jazz, hindi niya inaalis ang posibilidad na makapasok muli sa koponan sa mga susunod na torneo.
Matatandaang huling nakasama ng mga Pinoy si Clarkson noong 2018 Asian Games sa Jakarta kung saan nakuha ng Gilas ang ikalimang puwesto.
Samantala, nagpasalamat naman sa mga Filipino fans si Clarkson matapos humakot ng maraming All-Star votes noong nakaraang taon.