Kikilalanin lamang bilang naturalized player ng Gilas Pilipinas si National Basketball Association (NBA) player Jordan Clarkson.
Ayon kay Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) Spokesperson at Executive Director Sonny Barrios, bagama’t sinikap nilang hilingin sa FIBA na payagan si Clarkson na mag-drible bilang local player ay hindi ito na-aprubahan.
Bunsod nito ay kakailanganing mamili ng Gilas kung sinong naturalized player ang ipaparada sa bawat international competition.
Mababatid na sa mga nagdaang torneo si Angelo Kouame ang naturalized player ng Gilas.
Samantala, nauna nang nakumpirma na lalaro si Clarkson sa fourth window ng FIBA World Cup Asian qualifiers ngayong buwan.