Arestado ang isang Jordanian national sa pagbitbit ng iligal na baril at pagiging marahas sa loob ng isang hotel sa Makati City.
Kinilala ang suspek na si Tarek Siam.
Ayon sa NBI, nakatanggap ng reklamo ang ahensya mula sa Makati Hotel and Residences Condominium Corporation na humihiling ng law enforcement assistance kaugnay kay Siam na bayolenteng nanghaharass sa mga empleyado ng hotel.
Binantaan din umano nito ang ilang security guards ng nasabing establisimyento habang may baril, nang suriin ng NBI-STF sa database ang criminal records ni Siam, nalaman na mayroon itong warrant of arrest na inisyu ng Manila Regional Trial Court dahil sa paglabag sa Special Protection Of Children Against Abuse, Exploitation, at Discrimination Act.
Sa bisa ng warrant of arrest, si Siam ay naaresto sa tinutuluyang hotel at narekober sa kanya ang isang glock 27 gen 4 at mga bala.
Sasampahan ng kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at paglabag sa The Omnibus Election Code.—sa panulat ni Mara Valle