Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang bayan ng Jose Abad Santos sa Davao Occidental dakong alas-7:48 kaninang umaga.
Ayon sa PHIVOLCS, naitala ang epicenter ng lindol sa layong 130-kilometro, silangan ng Jose Abad Santos.
May lalim itong 54-kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Naramdaman naman ang Intensity 1 ng pagyanig sa mga bayan ng Malungon at Alabel sa Sarangani.
Samantala, hindi inaasahan ng PHIVOLCS na magdudulot ang pagyanig ng pinsala sa mga ari-arian gayundin ng mga aftershock.