Niyanig ng magnitude 7.1 na lindol ang bayan ng Jose Abad Santos sa Davao Occidental pasado alas-8:23 ng gabi.
Ayon sa Phivolcs, natukoy ang epicenter ng pagyanig sa layong 231 kilometer, katimugan ng Jose Abad Santos.
May lalim itong isang 216 na kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Batay sa inilabas na earthquake information ng Phivolcs, naramdaman ang intensity 5 sa General Santos City, intensity 4 sa Davao City, intensity 2 sa Bislig City Surigao Del Sur.
Habang instrumental intensity 5 sa Kiamba Sarangani; instrumental intensity 4 sa General Santos City, Alabel Sarangani at Koronadal City South Cotabato.
Instrumental intensity 3 sa kidapawan City, Bislig City Surigao Del Sur, Gingoog City Misamis Oriental; instrumental intensity 2 sa Cagayan De Oro, Surigao City Surigao Del Norte, Borongan Eastern Samar at instrumental intensity 1 sa Catbalogan City Samar.
Samantala, sinabi ng Phivolcs na walang banta ng tsunami sa anumang parte ng Pilipinas ang naturang malakas na lindol.