Pormal nang nanumpa si Jose Jerry Acuzar bilang kalihim ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).
Si Acuzar ay chairman ng San Jose Builders Inc. at may-ari ng Las Casas Filipinas De Acuzar sa bayan ng Bagac.
maliban dito, may-ari rin ito ng ilang condominiums sa Metro Manila at Balanga.
Samantala, si Acuzar ay bayaw ng dating executive secretary ni namayapang dating Pangulong Benigno Aquino na si Atty. Paquito Ochoa.