Kumpiyansa si Communist Party of the Philippine (CPP) Founding Chairman Jose Maria Sison na ang pagbabalik ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan ng mga rebelde ay magreresulta sa pagkakaroon ng kapayapaan sa bansa.
Ayon kay Sison, determinado ang peace panels mula sa kanilang hanay at sa pamahalaan na magkaroon na ng wrap up para sa ‘mutually agreed peace agreement.’
Kabilang aniya sa nasabing kasunduan ang pagkakaroon ng amnestiya sa mga political prisoners na nasa listahan ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) gayundin ang mga kabilang sa Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms (CASER).
Sa ngayon, pursigido aniya ang government peace panel at NDFP para mapagkasunduan ang road map upang makamit na ang pangmatagalang kapayapaan bago matapos ang taong 2018.
—-