Ayaw pang kumpirmahin nina Joshua Garcia at Julia Barretto ang tunay na score sa kanilang dalawa.
Kasunod na rin ito nang tila pagkumpirma ni Dennis Padilla, ama ni Julia na karelasyon na nito ang ka-loveteam na si Joshua.
Ayon kay Julia, masaya lamang siguro ang tatay niya sa kung anuman ang namamagitan sa kanila ng kaniyang ka-loveteam.
Sinabi naman ni Joshua na natutuwa siya dahil ang pagsasalita ng ama ni Julia ay malinaw na senyales na gusto siya nito.
Kapwa inihayag nina Josh at Julia na ini-enjoy lamang nila kung anong meron sa kanila at hindi sila nagmamadali dahil alam dapat nila kung ano ang papasukin nila o yung pagiging mag-boyfriend/girlfriend.
Ang dalawang Kapamilya stars ay kilala bilang ‘JoshLia’ loveteam.
—-